Alden Richards umamin na may chance na maging girlfriend niya si Maine Mendoza.
Alden Richards umamin na may chance na maging girlfriend niya isi Maine Mendoza
Tinutukan ng mga Kapuso natin ang episode kagabi ng Kapuso Mo, Jessica Soho featuring ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
Dito naka one-on-one ng GMA News anchor Jessica Soho si Alden at inusisa ang sikreto ng phenomenal love team nila ni Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa Kalye-serye portion ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.
Ayon kay Alden, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala sa success ng team up nila ni Yaya Dub. At ang bawat hiyaw at tili ng kanilang mga fans ay "music to his ears" daw.
Kuwento ng Sunday PinaSaya host, “Nakaka-overwhelm po siya Ms. Jessica to tell you personally po. 'Yung pagtanggap po sa akin ng tao ngayon mas tumindi po, mas uminit.”
Dagdag pa ni Alden, never pa raw niya na-meet ng personal ang kapareha kaya mas lalong exciting ang bawat episode nila sa Eat Bulaga.
Aniya, “The good thing about po this tandem Ms. Jessica personally po hindi pa kami nag-me-meet. Promise po, a 100%! Never ko po siyang nakikita.”
“We don’t text, we don’t call each other, we don’t mention each other on social media. So, that maintains the mystery po eh, the magic. That’s what we call it po so siguro kahit ako po personally as Alden na-e-excite na rin po makita siya kaya lang siguro sabi nga po ni Lola Nidora sa tamang panahon.”
Marami daw matutunan ang mga Kapuso natin sa portion nila sa kalye-serye at dapat daw makinig sa mga words of advice ni Lola Nidora.
“Ang context po kasi talaga niya is very educational naman po, kumbaga sabi po ni Lola Nidora before sa isang episode lahat ng bagay po hindi dapat minamadali, lahat po ng bagay pinaghihirapan, hindi porket nag fan sign na, kayo na.”
Tinanong naman ng diretsahan ni Ms. Jessica si Alden kung may chance ba na mahulog ang loob niya sa dalaga.
Hindi na nagpatumpik-tumpik ang guwapong binata at umamin na panahon lang ang makapagsasabi kung mauuwi sa totohanan ang love team nila on TV.
“Siguro po Ms. Jessica, hindi ko rin po masabi. Kasi of course hindi ko pa na-me-meet in reality naman po kapag hindi mo pa nakikilala ‘yung isang tao you really can’t tell kung ano po mararamdaman mo towards her. Pero ngayon po kung ano, whatever we have now masaya po kami and masaya sila, masaya po ‘yung mga supporters.”
Via GMA News
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
loading...
Comments
Post a Comment